Isko sa spokesman ni Leni: Pagsalitain mo amo mo

BINANATAN ni presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno ang spokesperson ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez.

Ayon kay Moreno, dapat umanong pagsalitain ni Gutierrez si Robredo.

“Barry, tabi ka na sa gedli, pagsalitain mo ang amo mo. Pagsalitain mo yang amo mo. O baka hindi pa mabasa? Kailangan ng teleprompter?” ayon kay Domagoso.

“Barry, wag kang sinungaling, baka di mo alam ang ginagawa ng amo mo,” dagdag pa niya.

Ito ang naging pahayag ni Domagoso bilang reaksyon sa pahayag ni Gutierrez na walang “aktibong pagsisikap” sa panig ng kampo ng Bise Presidente na bumuo ng mga pormal na alyansa.