Libreng Sakay sa Edsa Bus Carousel hindi na mauulit ngayon

WALA munang libre.

Sa umaasa pa rin sa libreng sakay sa Edsa Bus carousel, hindi na yan matutupad ngayon.

Hindi na umano kakayanin ng budget ng pamahalaan kung ipagpapatuloy pa rin ang Libreng Sakay program ng pamahalaan.

Ang P1.3 bilyong budget para rito, kung sakaling ituloy ang programa, ay tatagal lamang ng hanggang apat na buwan.

Gayunman, meron naman umanong ibibigay na diskwento sa mga sasakay sa Edsa Bus carousel, ayon kay LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III.

“Para mapagkasya po itong pondo ng gobyerno, at para maisama po lahat ng transportasyon, magbibigay po sila ng discount, discounts to be given to those who will be availing of this ‘Libreng Sakay,’” ayon kay Guadiz sa isang press briefing nitong Biyernes.

“Kasi po ‘pag ang ginawa namin is libreng sakay like what we did last December, ‘yung P1.3 billion is hanggang apat na buwan lamang po iyon,” dagdag pa nito.