Pagkalaos ni Bea coming soon–Lolit Solis

NANINIWALA si Lolit Solis na nalalapit na ang pagkalaos ni Kapuso actress Bea Alonzo dahil walang planning at management sa career nito.

Sa Instagram post, muli ring pinuna ng veteran show biz columnist at talent manager ang itsura ni Bea sa bago nitong teleserye na “Start Up” na adaptation ng isang Korean drama

“Tawa ako ng tawa sa reaction na mukhang tita ni Alden Richards si Bea Alonzo. Nag react daw ang Korea bakit mukhang matandang Tita ni Bae Suzy ang kinuha ng Pinas para sa Start Up.

“Ano ba iyan, talaga bang labas na wrinkles ni Bea at kahit anong gawin make up talagang kita ng mukha siyang matandang tita?

“Grabe naman hindi na matakpan ng make up at styling ng glam team niya ang edad ni Bea eh ang mahal ng bayad sa mga ito pero hirap pa rin ayusin ang edad.

“At sobra naman iyon balita na kailangan mag mukhang matanda si Alden Richards para pantay tignan ang edad nila ni Bea Alonzo na mukhang tita talaga,” paulit-ulit na pahayag ni Lolit.

Idinagdag niya na “mukhang matanda, maraming wrinkles, laylay mga bilbil, mukhang losyang na laos na star at marami pa” si Bea makaraan umano itong iwanan ni Gerald Anderson para sa “mas bata at maganda” na si Julia Barretto.

Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa dialysis si Lolit dahil sa sakit.