WHAT’S THE TEA: Mayor ng sikat na syudad nagwala matapos mahuli ang asawa sa piling ng iba

HINDI happy si mayor kahit overwhelming ang kanyang pagkapanalo sa nakaraang election sa isa sa mga sikat na syudad sa Pilipinas.

Sino ba naman ang magiging masaya kung ang mahuli mo ang asawa mo na may kalukadidang sa opisina sa mismong city hall?

Matagal nang chika na hindi na matamis ang pagsasama nina mayor at ng kanyang asawa bago pa mahalal ang alkalde.

At ang balita pa, nahuli ni mayor na dati munang vice mayor ang kanyang kabiyak bago pa mag-election.

Sa opis nahuling may kalukadidang ang be(i)tter half ni mayor. At nang mahuli sa akto ay nagwala ang mayor at nagwasiwas ng mga gamit sa opisina at nabasag pa ang salaming sliding door.

Sa city hall din nagtatrabaho ang asawa ni mayor, at kahit marami na ang nanawagan na dapat bitiwan na niya ang kanyang pwesto ay ayaw nito.

Katwiran ng asawa ni mayor, bago pa maging opisyal ng lokal na pamahalaan ang kanyang kabiyak ay doon na siya nagtatrabaho, kung kayat ayaw niya itong i-give up.