No hard feelings: Kim Chiu bakit nga ba hindi invited sa kasal ni Maja?

WALA umanong tampo o sama ng loob si Kim Chiu nang hindi siya maimbitahan sa kasal ni Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Indonesia noong Hulyo.

Ayon pa sa aktres sa kanyang Q&A vlog na uploaded sa YouTube nitong Linggo, Sept. 24, in good terms pa rin naman daw sila ni Maja, bagama’t umamin siyang hindi na sila sobrang close ngayon

“Hindi naman kami sobrang close na ni Maja and hindi na rin naman kami masyadong nagu-usap,” ayon kay Kim.

“Siyempre, kapag kasal mo, gusto mo ‘yung mga taong gusto mo lang nandyan to witness your love sa partner mo. Hindi ako na-imbitahan.”

Anya pa, she’s “very happy” para sa bagong kasal.

“Okay lang! Wala talagang [hard feelings]. Sobrang happy ko para sa kanya, minessage ko naman siya. At na-touch din ako nung minessage niya ako dahil doon sa nangyari sa ate ko,” ayon pa kay Kim na ang tinutukoy ay ang pagkakaospital ng kanyang kapatid.

“Sabi niya pinagpe-pray daw niya ‘yung ate ko and sana daw okay lang ako. Nakausap ko siya noong may nangyari sa ate ko,” dagdag pa niya.

Matatandaan na naging mag-close ang dalawang aktres noong 2013 ngunit nagbago ito nang ma-involved si Maja sa aktor na si Gerald Anderson na naging ex naman ni Kim. Noong 2015 naman nagkahiwalay si Maja at si Gerald.