Show cause order vs Cavite road rage suspect

IPINAG-UTOS ni Land Transportation Office (LTO) Vigor Mendoza II ang pag-isyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa may-ari ng sasakyan matapos masangkot sa panibagong road rage ang nagmamaneho nito sa isang subdivision in Imus, Cavite.

Makikita sa video na nag-swerve ang lasing na driver ng puting Honda CRV (REN123) at hinarangan ang sasakyan na nasa likuran niya.

Kalaunan bumaba ang driver ng Honda CRV at pinahinto ang sasakyan na nasa likuran niya at kinompronta ang driver nito.

Pinagmumura ng driver ng Honda CRV ang mga sakay ng sasakyan. Sinabi ni Mendoza na nadiskubre na hindi ang driver ang may-ari ng Honda CRV kundi nakarehistro ito sa isang babae mula sa Rizal.

“You are directed to submit your response under oath within five days from the receipt hereof why no disciplinary action should be taken against you,” sabi ng show cause order.

Nangyari ang insidente nitong September 14, 2023.