Luis, Jessy ikinasal sa Palawan

IKINASAL na sa simbahan sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Coron, Palawan nitong Huwebes, February 15.

Kabilang sa mga nakasaksi sa kasal, na in-officiate ni Fr. Tito Caluag, ang mga kapamilya, kamag-anak at mga kaibigan ng mag-asawa.

Dumalo ang mga magulang ni Jessy na sina Roger at Judith Tawile na hindi nakadalo sa civil wedding nila ni Luis na ginanap sa Lipa City noong February 2021.

Present din sa kasal ang mga magulang ni Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos, na kasama ang mister na si Finance Sec. Ralph Recto.

Ilan sa mga ninong at ninang sa kasal ang mga ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak at Cory Vidanes.

Kabilang naman sa secondary sponsors ang mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga.

Bago ito, sinabi ni Jessy na hinintay nila ni Luis ang tamang panahon para masaksihan ng kanyang pamilya ang kasal.

“Nakakatuwa kasi my whole family is coming and finally they can meet Rosie,” aniya.

“It’s an intimate wedding again, we’re not really hiding it but we’re not putting it our there naman. This time kasi, si Luis nga sweet e, sabi niya I want you to have your wedding of your dreams, with your family and with the Lord,” dagdag ng aktres.