Heart, Chiz nag-renew ng wedding vows

NAG-RENEW ng wedding vows sina Heart Evangelista at Sen. Francis “Chiz” Escudero sa isang intimate ceremony sa Royal Villa sa Balesin Island nitong Huwebes, isang araw makaraang ipagdiwang ng aktres at style icon ang kanyang ika-39 kaarawan.

Itinapat nina Heart at Chiz ang okasyon sa ikasiyam na anibersaryo ng kanilang kasal.

Suot ni Heart ang isang custom beige wedding gown at belo na ginawa niya na hood. Likha ito ng Lebanese fashion designer Elie Saab.

Naka-cream tuxedo naman si Chiz. Naging espesyal ang kasal para kay Heart dahil inihatid siya sa altar ng kanyang ina na si Cecilia Ongpauco.

Mag-isa lang na lumakad ang aktres sa aisle nang ikasal ito sa senador noong 2015. Matatandaan na sa Balesin din ginanap ang engrandeng kasal nina Heart at Chiz siyam na taon na ang nakararaan.