Lolit natakot sa pagkakaospital ni Bong Revilla

ISA ang veteran show biz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa mga nangamba sa pagkakaospital ni Sen. Bong Revilla nitong Miyerkules.

Sa Instagram, inihayag ni Lolit na siya ang dapat “mauna” kay Bong dahil “aalagaan mo pa ako.”

“Scary ang dating sa akin ng balita na isinugod si Bong Revilla sa hospital. Alam mo na isa si Bong Revilla sa mga mahal na mahal kong alaga. Napakabait at napakalaki ng puso ni Bong sa mga tao, kaya people friendly siya. Madaling lapitan, hindi namimili ng kausap, talagang sincere sa pakikipagkaibigan,” sey ni Lolit.

Nagpasalamat naman ito at hindi grabe ang kondisyon ng senador.

‘Mabuti na lang at isang minor stomach pain lang pala ang dahilan, pero mabuti at na diagnose agad,” aniya pa.

Payo niya sa politiko na ingatan ang kalusugan para maharap nito ang trabaho.

“Saka tandaan mo Bong na isa ka sa mag aalaga sa akin, kaya ako dapat mauna sa iyo noh, wala kang karapatan mauna sa akin. Promise mo iyan, tuparin mo. Kundi, magagalit ako. Stay healthy and strong always, my ever favorite Bong Revilla, Promise,” hirit pa ni Lolit.