RR Enriquez isang clown–Cristy Fermin

PAYASO kung ilarawan ng show biz writer at host na si Cristy Fermin ang self-proclaimed “Sawsawera Queen” at starlet na si RR Enriquez.

Sa kanyang online talkshow na “Cristy Ferminute,” sinabi ni Cristy na kailangan ng mundo ng isang clown gaya ni RR.

“Okay lang yung pagiging sawsawera ni RR. Sa isang mundo na puro seryoso ang tao, masarap yung ganitong meron kang payaso. Parang clown,” aniya.

Pero binalaan niya ang dating dancer sa game show na “Wowowin” na dapat din itong mag-ingat sa pagsawsaw sa mga isyu.

“May hangganan ‘yan. Kita mo nabubwisit na sa kanya ‘yung ibang kababayan natin,” dagdag ni Cristy.

Pinanigan naman niya ang ama ng aktor na si Ruru Madrid na kinastigo si RR sa umano’y pakikialam nito sa relasyon ng “Lolong” star at girlfriend na si Bianca Umali.

“Alam mo, si RR talaga, dapat itali rin ang dila nito paminsan-minsan e. Mabait naman siya kung sa mabait, nakakaaliw siya pero yung sobra-sobra na ang atake niya? Isang araw makakatagpo ng katapat niya ‘yan, sa totoo lang,” paliwanag niya.

“Hindi lahat ay makakaunawa na sawsawera siya kaya meron na siyang karapatan na manghimasok sa buhay ng may buhay,” pinunto pa ni Cristy.