Kris Aquino nagpapalakas na

ISINIWALAT ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na bumubuti na ang lagay ni Kris Aquino na nagpapagamot sa US.

Sa kanyang “Ogie Diaz Showbiz Update” show sa YouTube, sinabi ni Ogie na nadagdagan na ang timbang ni Kris na mayroong autoimmune conditions.

Aniya, 41 kilogram o 90 pounds na ang timbang ngayon ng Queen of All Media.

“Tumataas. Parang dati kasi naalala natin ‘di ba, nung sinabi ng ate niya na she’s not even 90 pounds. Eh ngayon, 90 pounds na siya. Wow!” ayon sa cohost ni Ogie na si Mama Loi.

Nagpasalamat naman si Ogie sa lahat ng mga nagdadasal sa paggaling ni Kris.

“Kaya jusko, napaka-effective po ng ating prayers. So continue praying for Kris’ recovery,” sey niya.

Matatandaan na sinabi ni Kris na limang autoimmune conditions ang pinaglalalabanan niya.

Kabilang dito ang autoimmune thyroiditis, chronic spontaneous urticaria, at eosinophilic granulomatosis with polyangiitis o EGPA.