Kim nag-skincare routine; Jerald muntik masilipan

HABANG nasa gitna ng pagbi-video ng kanyang Korean skincare routine si Kim Molina sa bathroom ay biglang pumasok ang partner niyang si Jerald Napoles.

Akmang ibaba na ng aktor ang kanyang shorts para umihi ay nakita nito na naka-on ang camera ng aktres kaya bigla itong huminto.

Kumaway pa sa kamera ang hiyang-hiya na si Jerald saka lumabas ng CR.

Tawa naman ng tawa si Kim sa eksena ng boyfriend.

“Hello, Jerald Napoles! Paihi ‘yung jowa ko e. Hindi niya nakitang nagre-record ako e. Galing!” sabi ni Kim sa voice over.

Nang tumigil sa katatawa, itinuloy ni Kim ang skin care regimen. 

Matapos imasahe sa mukha ang cleansing oil ay gumamit si Kim ng cleansing foam bago nag-apply ng toner, Vitamin C serum, anti-blemish serum, eye cream, bean cream, at sun screen.