Karla Estrada ibinida bagong endorsement ni Daniel Padilla 

SINO ang laos?

Ito ang tila ipinahihiwatig ni actress-TV host Karla Estrada nang ibandera niya sa social media ang bagong endorsement ng anak na si Daniel Padilla.

Sa kanyang Instagram story nitong Sabado ng gabi, ibinahagi ni Karla ang behind-the-scene snaps ng photo at video shoot ni DJ para sa isang popular na denim brand.

Sa mga pics ay makikita ang aktor na namimili sa mga nakalatag na jeans at jackets kasama ang isang tila stylist bago isinukat ang pares na natipuhan niya.

Nakangiti si Daniel habang nakaharap sa salamin suot ang washed denim pants at jacket. Hindi naman niya hinubad ang kanyang signature na sunglasses.

Matatandaan na ilang araw na ang nakararaan ay binati ni Karla ang anak sa bagong achievement nito bagaman hindi niya binanggit kung ano ito.

“Congratulation Anak 🙏🙏🙏 Soon 🙏🙏🙏👏👏👏👏,” sabi niya.

“To God be the glory! Thank you🙏🙏🙏,” dagdag ni Karla.

Binati rin ang aktor ng ilang kaibigan sa showbiz at mga fans kahit maging sila ay walang ideya kung ano ang bagong achievement niya.