Na-bash sa pagkanta nang sintunado, Marco Alcaraz dedma

HINDI apektado ang aktor na si Marco Alcaraz sa mga panlalait na natatanggap niya sa pagkanta nang sintunado sa isang beauty pageant sa Urdaneta City, Pangasinan kamakailan.

Napag-alaman na hindi rin umano alam ni Marco na nag-viral ang video ng kanyang pag-awit ng “Ngiti” sa Binibining Urdaneta kung hindi pa siya hiningan ng komento ukol sa natatanggap niyang pamba-bash.

Sey ni Marco, keber niya sa mga pumupuna sa kanya dahil ang mahalaga ay napasaya niya ang mga kandidata at ang audience.

Kuwento niya, habang kinukwenta ng mga judges ang score ng mga kandidata ay nahilingan siya na kumanta.

Siya ang host ng timpalak habang isa sa mga judges ang asawang si Miss International 2005 Precious Lara Quigaman.

Ayon kay Marco, tinanong niya ang audience kung gusto nilang marinig ang kanyang tinig.
Dahil hindi siya killjoy, pumayag siyang kumanta.

Sa isang panayam sa aktor, iginiit nito na hindi siya lasing nang kumanta.

“Sabihin mo na lang na social experiment yun!” dagdag ni Marco.