Kakai Bautista wapakels kay Mario Maurer

TIKOM ang bibig ng komedyanang aj Kakai Bautista sa planong pagbabalik ng Pilipinas ng Thai actor na si Mario Maurer.

Ani DJ JhaiHo, sinubukan niyang hinangan ng komento si Kakai ukol kay Mario pero tinawanan lang siya nito 

“Ang sabi ni Kakai, ‘Wala Neng. Hindi na para patulan ang mga bagay na ‘yan’,” dagdag ni  DJ JhaiHo.

Matatandaan na noong 2021 ay pinagbantaan ng demanda ng management ni Mario si Kakai dahil sa paulit-ulit na pagbanggit ng komedyana sa pangalan ng Thai actor sa mga panayam.

Ayon sa management ni Mario, nakakasira sa image at career ng aktor ang madikit sa komedyana.

“We have been informed of unauthorised use of Mario Maurer name by several events, and it has come to our attention that…Catherine ‘Kakai’ Bautista is the person who continues to use the name of Mario Maurer to attach to herself without consent nor knowledge,” mababasa sa demand letter ng Kwaonhar Nine Nine Co. Ltd..

Naging malapit umano ang dalawa nang magkasama sa pelikulang “Suddenly It’s Magic” noong 2012.