Julia nagsusumamo sa publiko: Give our film a chance

NAKIKIUSAP si Julia Barretto sa mga Pinoy na panoorin ang pelikula nila ni Aga Muhlach na “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko” na ipalalabas sa susunod na buwan.

Sa Instagram, ipinost ni Julia ang photo niya na kuha sa movie na nilakipan niya ng caption na, “Please, give our film a chance.”

Matatandaan na ilang netizens ang dismayado sa pairing nila ni Aga Muhlach dahil masyado umanong napakalayo ng agwat ng kanilang mga edad.

Sey pa ng mga netizens: “Wala silang spark. Hindi kapani paniwala ang roles nila. Aga had lost his touch. Hindi na pang-leading man yung itsura nya unlike nung sa movie nila ni Claudine, Kristine H. etc.”

“I saw the trailer.. mejo Kadiri yung pairing. I couldn’t get past the age difference… I usually don’t mind an age gap, but Aga doesn’t look good. He just ended up looking creepy. But maybe I’m just not the target audience.”

“Akala ko noon kahit tumanda na si Aga, gwapo pa rin. Pero hindi nya namaintain ang looks nya na boy-next-door, neat, heartthrob.”

“Ang creepy lang nang pairing. Kahit pa ni request si Aga, they should gave a lot of thought. Di na matinee idol si aga.”

“Oo ang weird ng pairing nila. Kasi ba ang shonda tignan ni aga? Meron off eh. Parang caregiver feels naman. Sorry po!”

“The story seems interesting but they don’t look good together on screen. I cannot not mind the age gap, siguro someone a bit younger than Aga like kung mga ka-age bracket siguro ni Papa P.”

“Hard pass saw the trailer din and parang mag-ama, i mean may look test naman diba? Pero yung kanila masyado naman pinakatanda tanda ni Aga or talagang matanda na siya tingnan. Wala rin chemistry para pilit na pilit.”