Jimin ng BTS nag-donate ng P4M sa polio patients sa Korea

IKINATUWA ng ARMYs all over the world ang pagiging generous ng BTS member na si Jimin.

Ayon sa report ng Soompi, nag-share ng kanyang blessing si Jimin sa mga polio patients sa Korea nang mag-donate ito ng 100 million Korean won o katumbas ng P4 milyon sa Rotary District 3590 noong Hulyo.

Ipinangalan ang donasyon ng singer sa kanyang ama sa pamamagitan ng fundraising campaign para mapahinto ang polio sa pamamagitan ng bakuna.

Ang polio ay isang highly infectious disease na nagmumula sa poliovirus na nagdudulot ng pagkaparalisa sa tao na meron nito.

Lahat ng pondo para rito ay ihahayag sa Oktubre 24 kung kailan ipinagdiriwang ang World Polio Day.