Jaclyn inihatid sa huling hantungan; vault bigay ng family ni Jake Ejercito?

KAHAPON, March 10, naganap ang inurnment sa labi ng yumaong veteran actress na si Jaclyn Jose sa The Garden of the Divine Word Columbary sa E. Rodriguez, Quezon City.

Naging pribado ang inurment dahil tanging mga kapamilya, kaanak at malalapit na kaibigan lamang ng award-winning actress ang sumaksi sa paghahatid sa kanyang huling hantungan.

Napag-alaman naman sa ulat ng Bulgar na ang pinaglagakan na vault ng abo ng aktres ay bigay umano ng ina ni Jake Ejercito na si Laarni Enriquez.

Si Jake ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann, isa sa dalawang anak ni Jaclyn. Sumakabilang-buhay si Jaclyn makaraang atakihin sa puso. Siya ay 60.