Oppenheimer big winner sa 2024 Oscars

HUMAKOT ng pitong award ang biographical film na Oppenheimer sa katatapos lang na ika-96 Academy Awards sa Los Angeles nitong Linggo (Lunes ng umaga sa Pilipinas).

Naiuwi ng Oppenheimer ang Best Picture at Best Director para sa Christopher Nolan.

Wagi rin ang bida na si Cillian Murphy bilang Best Actor habang Best Supporting Actor naman si Robert Downey Jr.

Nanalo rin ito for best film editing, best cinematography at best score.

Ang Oppenheimer, na isang biopic ay kwento ng buhay ni J. Robert Oppenheimer, isang American physicist at kanyang naging papel sa paglikha ng atomic bomb.

Tumabo rin sa takilya ang pelikula na may gross sale na $900 million sa unang apat na buwan matapos itong irelease.