Ion Perez binago ang buhay ni Vice Ganda


TUMIGIL na sa paninigarilyo at pag-inom ng alak si Vice Ganda dahil sa impluwensya ng kanyang boyfriend na si Ion Perez.


“Dati, di ba gabi-gabi nga rampa ako nang rampa? So, tinalikuran ko ‘yun. Pati paninigarilyo, tinalikuran ko. Pag-inom, hindi na rin ako umiinom, di ba? Hindi na ako gumigimik,” ani Vice.


“Si Ion lang sapat na. Totoo ‘yun. Sapat na ako kay Ion. Nagtatrabaho ako, nandiyan si Ion, nakikita ko siya, okay na ako, hindi na ako rarampa,” chika pa ng box-office star.


Aniya, si Ion din ang kanyang pampakalma.


“Si Ion kasi hindi masalita pero kapag tumitingin siya akin tapos nakita ko na siya, kumakalma na ako. Pinakalma niya ‘yung buhay ko,” kwento pa ni Vice.


Magtatatlong-taon na ang relasyon nila pero, sey pa ng It’s Showtime host, hindi pa rin siya nagsasawa sa kanyang dyowa. –A. Mae Rodriguez