Mag-iina tinodas ni mister saka nagbigti

MALAMIG na bangkay na nang datnan ng mga kaanak at kapitbahay ang apat na miyembro ng pamilya sa Biñan City, Laguna ngayong hapon.


Nakabigti ang padre de pamilya habang wasak ang mga bungo ng kanyang asawa at dalawang anak, may edad 7 at 1.


Ayon sa ulat, binusalan pa ng face mask ang mga paslit.


Isang duguang martilyo ang nakita malapit sa bangkay ng mag-iina na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa kanila.


Ayon sa mga kapitbahay, narinig nilang umiiyak ang mga bata alas-11 ng umaga bago bilang tumahimik.


Nagsuspetsa ang mga kapitbahay at kaanak ng pamilya nang tanghali na ay wala pa ring lumalabas sa bahay ng mga ito.


Nang buksan ang bahay ay bumungad sa kanila ang mga patay.


Naniniwala ang mga ito na pinatay muna ng padre de pamilya ang kanyang mag-iina bago siya nagpatiwakal.


Dagdag nila, madalas ang pag-aaway ng mag-asawa bago ang malagim na insidente.