Hipon girl ‘mambubudol’ sa Binibining Pilipinas

NANINIWALA ang maraming pageant fans na malakas ang laban ni Herlene “Hipon” Budol sa Binibing Pilipinas 2022.

Kaugnay nito, humihingi ng dasal si Hipon sa publiko para makapasok siya sa screening ng nasabing beauty contest sa April 8.

Sa Facebook, ipinost niya ang photo ng kanyang make-up at isusuot na swimsuit.

“After trial makeup kanina, nag try naman ang Hipon girl nyo mag swimsuit. Ipagpray nyo pumasok ako sa screening sa Binibining Pilipinas sa darating ng April 8 ah..love u all mga KaSquammy ko,” aniya sa caption.

Idinagdag niya na inabot siya ng madaling araw para makapagpasa ng application.

“Lavarn at go lang sa iba’t ibang look!! walang pagod at suko akong maramdaman! basta tiwala ako kay lord at well motivated ako matuto sa lahat ng bagay pinag kaloob sa akin sa itaas! first time ko eto sasali ng national pageant sana isama nyo ako sa mga prayers nyo mga KaHipon, KaBudol at KaSquammy! pagmamahal at supporta nyo palang ay malaking bagay para sa akin. Love u all,” aniya pa.

Marami naman ang naniniwala na may laban si Hipon sa timpalak. Karamihan ay umaasa na maiuuwi nito ang titulong Miss Grand International Philippines.

“Why not? Ang ganda nya naman talaga tapos may sense of humor pa sya. Go hipon girl.”

“Go hipon.. ikaw Ang kukuha Ng Ms grand international.. budolin mo sila..go!”

“Kung ako tatanungin bet ko sya kase pilipinang pilipina.”

“Walang imposible . go go squammy.”

“Magaling to sa q and a , nagpapangganp lang siya na hindi magaling pero may ibubuga to.”