GF ni Jovit nagpasalamat sa publiko: ‘Sasabog na ko sa sakit’

PINASALAMATAN ni Camille Ann Miguel ang publiko sa pakikiramay nito sa pagkamatay ng kanyang kasintahang si Jovit Baldivino.

Aniya sa Facebook: “Sa mga nagmemessage po sa akin, nagko-comment, nababasa ko po lahat, sobrang na appreciate ko po lahat.”

“At kahit papaano ay napapagaan ang loob ko. Di man po ako makareply pero sobrang thank you sa care,” dagdag niya.

Special mention naman ni Camille ang kaibigan ni Jovit na si Kiray Celis.

“Thank you beb sa pagdamay sa akin. Kahit paano napagaan n’yo loob ko. Mahal na mahal ko kayo see you soon,” pahayag niya.

Samantala, isiniwalat ni Camille na “parang sasabog” ang loob niya sa unang gabi na wala sa tabi ang boyfriend.

“Alam kong lahat tayo darating sa ganyang pagkakataon pero sobrang aga mo naman bawiin sobra ka!!!!” aniya sa Facebook.

“Eto ‘yung unang araw na nakauwe ako sa bahay nang wala ka na sa tabi ko matulog sobrang hirap sasabog na ako sa sakit,” pag-amin niya.

Sinisi rin niya ang 2022 sa pagyao ni Jovit.

“Grabe ka 2022, napakalupet mo din. Nga ba naman kung sino pa ‘yung taong mabait. OA ka bumawi, napakaaga!” sabi ni Camille.