Fil-Am singer Olivia Rodrigo waging Best New Artist sa Grammys

WAGI bilang Best New Artist sa 64th Grammy Awards ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.

Tumatak sa mundo ng musika si Rodrigo noong nakaraang taon matapos maging instant hit at cultural phenomenon ang kanta niyang “Drivers License”.

Umarangkada ito sa Billboard’s Hot 100 sa loob ng walong magkakasunod na linggo noong isang taon dahilan para i-launch ang full-lenngth debut ng singer na may titulong “Sour”.

May pitong Grammy nominasyon si Rodrigo, including ang Best Album at Record and Song of the Year.