1 pulis patay, 5 sugatan sa NPA ambush sa N. Samar

PATAY ang isang pulis habang limang iba pa ang sugatan matapos ambusin ng mga hinihinalang miyembro ng NPA alas-7 ng umaga sa Brgy San Miguel, Las Navas, Northern Samar.

Kinilala ang napatay na si Patrolman Harvie Cortez Lovino Jr, 30, residente ng San Isidro Northern Samar.

Ayon sa inisyal na report, pinasabugan ng Improvised Explosive Device (IED) ang mga kapulisan ng 1st Provincial Mobile Force Company at kasundaluhan ng 20th Infantry Battalion habang nagsasagawa ng Community Support Program sa nasabing lugar.