Dennis 2 beses binati anak na nag-birthday; umaasa sa paramdam

NAGHIHINTAY pa rin ng tugon si Dennis Padilla mula sa anak na si Claudia Barretto na dalawang beses niyang pinadalhan ng birthday messages.

Nagdiwang ng kanyang ika-23 kaarawan si Claudia nitong Martes.

Sa kanyang unang pagbati, nag-post si Dennis ng photo ni Claudia.

“Dearest Claui… Happy birthday anak… Miss you.. God bless you more!!” aniya.

Sa isa pang post, ibinihagi ni Dennis ang throwback photo nilang mag-ama.

Caption niya: “Happiiii bday anak… God bless you more Claui…. Love you.”’ 

Sa isa sa kanyang mga post ay binati ng kaibigan niyang si Janno Gibbs si Claudia.

“Happy Bday Nak,” ani Janno.

“Sana makarating ang aking pagbati…. Love you pre,” reply naman ni Dennis.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang sinasabi si Dennis kung nagparamdam na si Claudia sa kanya.

Isa ai Claudia sa tatlong anak ni Dennis sa dating asawa na si Marjorie Barretto. Ang iba pa ay sina Julia at Leon Barretto.