Barbie nasaktan nang sobra kay Diego

INAMIN ng aktres na si Barbie Imperial na “nadurog” siya nang husto sa hiwalayan nila ni Diego Loyzaga.

Sa kanyang vlog, tinanong si Barbie ng isang fan kung “sinong ex-bf pinakananakit sa iyo?”

“Honestly, ‘yung pinakanasaktan talaga ako I think si Diego talaga,” giit ni Barbie.

Klinaro naman niya na emosyonal at hindi pisikal ang pinag-uusapan na sakit.

“Minsan mo lang mapi-feel ‘yung akala mo siya na talaga. May mga usap-usapan na kayo na, ‘Saan tayo titira?’ Ilang anak. May conversations na kayo about getting married, kung saan kayo titira, mga plans niyo sa buhay. Kay Diego ko lang na-experience ‘yun,” paliwanag niya.

“Iyon siguro ‘yung reason kung bakit sobrang sakit niya sa ‘kin, kasi plinano ko ‘yung buhay ko with him, tapos biglang nawala. Ganoon naman talaga. Lessons learned,” dagdag ni Barbie.

Kinumpirma nina Barbie at Diego ang kanilang split-up nitong February matapos ang isang taon na relasyon.