Deleter’ naungusan na movie ni Vice?

KUNG pagbabasehan ang dami ng mga sinehan sa Metro Manila kung saan ito ipinapalabas, naunahan na ng horror flick ni Nadine Lustre na “Deleter” ang “Partners in Crime” ni Vice Ganda.

Ngayong Huwebes, ayon Click the City, ipinalalabas sa 139 sinehan ang “Deleter” makaraang madagdagan ng 12 sinehan habang nasa 132 sinehan na lang ang “Partners” dahil nabawasan ito ng pito.

Noong unang araw ng Metro Manila Film Festival ay iniulat na tumabo ng P35 milyon ang “Partners” habang naglalaro sa P20 milyon-P25 milyon ang “Deleter.”

Samantala, mapapanood sa 102 sinehan ang “Family Matters,” 56 ang “Labyu with an Accent,” 53 ang “My Teacher,” 33 ang Nananahimik ang Gabi,” 16 ang “Mamasapano,” at walo ang “My Father, My Self.”