Dedma sa ‘gag order’; Tom nagsalita sa split-up kay Carla

SINAGOT ni Tom Rodriguez ang isang netizen na sinisisi siya sa paghihiwalay nila ng asawang si Carla Abellana.

Tanong ng netizen: “Why did you hurt @carlaangeline?”

Sagot ng aktor: “There’s way more to the story… and plenty of hurt going around for everyone. Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat.”

Hindi naman idinetalye ni Tom ang ikagugulat ng publiko.

Matatandaan na nitong weekend ay nagpahiwatig si Tom na mayroong nagbabawal sa kanya na ibunyag ang mga detalye ng hiwalayan nila ni Carla.

Sa isang burado nang post sa Instagram, nag-post si Tom ng photo ng mushroom cloud na may kalakip na tula.

Nag-post din siya ng photo ng isang lalaki na mayroong plaster ang bibig. Deleted na rin ito.
Isang netizen ang nagtanong kay Tom kung bakit hindi pa nito isiwalat ang dahilan ng hiwalayan nila ni Carla.

“Why not tell the truth now? Why wait?” ayon sa commenter.

Pasabog naman ang sagot ng aktor.

“[G]ag order…Ask THEM why,” aniya.

Isa pang fan ang nagsabi na dapat niyang ipaglaban si Angeline dahil mahal umano siya nito.

“Hopefully, you will fight for Angeline. Ipaglaban mo sya paps. dahil mahal ka nun. believe me,” sey ng netizen.

Binasag naman ni Tom ang “ilusyon” ng netizen.

“[N]ot true. And you all know a tiny fraction of an entire story. But one day, the whole TRUTH will prevail,” pahayag ni Tom.