Daniel may pasabog

ITO ang ipinahiwatig ng Star Magic, ang management arm ng ABS-CBN, sa kanilang anunsyo nitong Biyernes.

Ibinahagi ng Star Magic sa Instagram ang larawan ng isang sunglass na may silhouette ni Daniel Padilla at may caption na “Soon.”

“Something SUPREME will take place SOON…Mark your calendars and stay tuned,” dagdag nito.

Hati naman ang opinyon ng publiko sa anila ay muling paglagda ng kontrata ni DJ sa Star Magic.

“Where else to go? Wala naman offer sa kabila. Pero parang ang hirap na pabanguhin ulit pangalan niya.”

“Bet you a peso that his career will flourish 🙂🙂🙂 He has the looks, the appeal, and the connections.”

“Kung hindi Lucky Me Supreme yan. Auto pass po.” “

Meron pa mapipiga kay Daniel, i can think of something, pwede na sya maging daring, endorsement wise naman may nawala daw pero an underwear endorsement would make a lot of noise.”

“Shucks exciting!!!!!!!! Says no one.”

“Andami pa ding galit. Dapat masaya na kayo kasi nabuwag na lt nila. Di ba ayaw nyo sa kanya? Ano pa rin ba ipinagpuputok ng butse nyo?”