Carla sa bashers ng tinda niya: Grabe kayo!

MULING nagsalita ang Kapuso actress na si Carla Abellana kaugnay sa pagtawag sa kanyang dugyot ng netizens dahil sa kondisyon ng mga ibinebenta niyang second-hand items, gaya ng sapatos at bag.

“Di yon totoo, Grabe kayo!” aniya sa isang panayam.

Ipinaliwanag din niya na naayon sa kondisyon ng item ang mga presyo.

“I would sell something na much less naman than how much I got it for, di ba? Lalo na ‘yung condition niya, depende din doon,” sey ng aktres.

Gayunman, sinabi ni Carla na hindi niya pinipilit ang publiko na bumili sa kanyang paninda.

“Well, choice naman nila ‘yon kung if they are interested or if they want to buy or not,” wika niya.

Bago ito, tinawag niyang salbahe ang mga bashers. “People can be so mean. So mean,” sabi niya sa Threads.