Buboy Villar umiyak, nag-sorry kay Jose Manalo

ISINAPUBLIKO ni Jose Manalo na tumawag sa kanya si Buboy Villar, isa sa mga host ng bagong “Eat Bulaga” upang mag-sorry.

Ayon kay Jose, tumawag si Buboy gabi bago i-ere sa GMA 7 ang bagong “Eat Bulaga”, upang humingi ng paumanhin.

Anya, nag-iiyak umano nang todo si Buboy, pahayag ni Jose nang matanong kung sakaling makasalubong ang mga bagong host.

“Si Buboy, the night before ng live ay tumawag sa akin. Umiiyak talaga. Sabi niya, ‘Kuya Jose, sorry,’” kwento ni Jose kasabay ang sabi na may pinagsamahan din naman sila ni Buboy noong bata pa ito.

“Alaga rin naman natin si Buboy. Wala namang problema,” dagdag pa niya.