Birthday party ni Donnalyn inokray ng netizens

KINASTIGO ng netizens ang “kanto-themed” birthday party ng singer-actress Donnalyn Bartolome na dinaluhan ng mga kapwa niya celebrities.

Hirit ng mga netizens, ginawang theme ni Donnalyn ang pagiging mahirap.

Anila, insensitive umano ito dahil ang kahirapan ay isang “real life problem.”

Matatandaan na nitong weekend ay ipinost ni Donnalyn sa Facebook ang mga larawan ng kanyang party.

Aniya: “My Kanto Birthday Party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable.. pero hindi mo maaabot pangarap mo sa pagiging komportable lagi. 

“So I relived the times when I was just starting out on my bday last month July 9, just like nung time na walang wala pa ako.. pero nandiyan yung mga taong mahal ako kahit butas butas ang shorts.. at murang sapatos at tsinelas lang kaya kong bilihin,” dagdag niya ukol sa “pinakasimple pero pinakamasayang birthday ko.”

Kabilang sa mga dumalo sa celebration sona Ella Cruz, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, Andre Paras, Jelai Andres, Zeinab Harake, Rastaman, Asian Cutie, Mikee Quintos, at Richard Juan.