Bea ‘mukha’ anti-ghosting bill –Lolit

MULI na namang nagpapansin si Lolit Solis kay Bea Alonzo nang sabihin niya na ang aktres ang magiging “mukha” ng anti-ghosting bill.

“Natatawa ako na magkakaruon ng anti-ghosting bill. Kaloka na ang magiging number 1 example nito si Bea Alonzo, hah hah hah. Sa tuwing pag uusapan ang ghosting siya papasok sa isipan mo,” ani Lolit sa Instagram post.

“Sa tuwing meron mag complain, parang si Bea ang maiisip mo,” dagdag ng veteran show biz writer-vlogger-talent manager.

Pero, ipinunto naman ni Lolit, na kailangang alamin muna kung bakit nago-ghost ang isang tao.

“Teka, hindi ba unfair din lalabas kung ang sasabihin mong may kasalanan lang yon nang ghosting? Hindi ba dapat din malaman bakit siya na ghosting? Baka naman talagang gusto ng iwanan pero ayaw pa bumitiw, iniiwan na naghahabol pa. Hindi naman siguro isa lang ang may sala, it takes two to tango, so, pag na ghosting ka, ibig sabihin may dahilan,” sey pa niya.

Samantala, pinayuhan ni Lolit si Bea na huwag nitong isiksik ang sarili sa mga taong ayaw na rito.

“Tanggapin mo na pag ayaw na sa yo, huwag ng masyado pang ipilit pag ayaw na. Like sa kaso ni Bea Alonzo, twice iniwan, may something na, kaya dapat accept na. Parang humahabol pa kaya nagging issue. Bye bye na pag no more love, huwag na ipilit,” aniya.