Groom di umabot sa kasal, todas sa diarrhea

NASAWI sa diarrhea ang 36-anyos na lalaki habang nagpapa-schedule ng kasal sa simbahan sa Davao City noong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat, ang lalaki ang ikalimang namatay sa diarrhea outbreak sa siyudad.

Napag-alaman na nagsimulang maramdaman ng lalaki ang mga sintomas ng diarrhea noong July 15 makaraang kumain sa isang food stall.

Makaraan ang isang linggo ay nagtungo sila ng kanyang girlfriend sa simbahan upang magbayad para gaganapin nilang kasal.

Habang nakikipag-usap sa cashier ng simbahan ay biglang nag-collapse ang lalaki kaya dinala sa ospital.

Hindi na naisalba ng mga manggagamot ang biktima na namatay dahil sa severe dehydration at massive loss of electrolytes.