Bea Alonzo engaged na kay Dominic Roque

AT tuluyan na ngang ibinigay ni Bea Alonzo ang kanyang matamis na “oo” sa kasintahan na si Dominic Roque.

“And we decided on forever,” sey ni Bea nang inanunsyo sa social media ang kanilang engagement at doon idinetalye kung paano nag-propose si Dominic sa kanya sa Las Casas FIlipinas de Acuzar sa Bataan nito lang Martes, Hulyo 18.

Kwento niya, nasa Las Casas sila para sa isang shooting.

Anya, pilit umano siyang pinatatalikod ng celebrity photographer na si Mark Nicdao para makunan ang likuran ng kanyang damit, at nang gawin na nga niya ito ay nakita niyang nakatalikod na si Dominic na nakaluhod at may maliit na kahon sa kamay.

“I have done so many proposal scenes in my entire career, but nothing beats the real thing. I have been doing it all wrong!” Bea said with a laugh, noting that time stood still when Dom said his part,” sey ni Bea.

“I didn’t want that moment to end. I want this real thing to happen forever… and right then there… In front of the people we love… we decided on forever,” dagdag pa ng aktres.

Nag-comment naman si Dominic sa post ng girlfriend: “I love you very much” na may heart emoji pa.

Sagot naman ni Bea rito “can’t wait to do life with you” na may heart emoji rin.

Noong 2021 nang unang napabalita ang relasyon ng dalawa