P2M Mother’s Day gift ni Ivana sa ina

NAPA-SANA ALL ang publiko sa regalo sa Mother’s Day gift ng aktres at social media personality na si Ivana Alawi sa kanyang ina na si Fatima.

Sa vlog, walang paglagyan ng saya si Gng. Alawi nang malaman na  P2 milyon ang napanalunan niya sa palaro sa kanya ng anak.

Bago nakuha ang P2 milyon, hinamon muna ni Ivana ang ina na mamingwit ng mga isda.

Lingid sa kaalaman ni Fatima na ang 10 isda na kanilang nahuli ay may katumbas na P2 milyon.

“Yung pagbabalik ng pagmamahal sa ina ay walang katumbas so whether P10,000, P5,000, kung anong galing sa puso n’yo. Pero siyempre kasi si mama nandoon siya noong walang-wala ako, noong hindi ako nakukuha sa pag-aartista,” ani Ivana.

“Sa mga nanay diyan, basta itinanim n’yo ng maganda ay maganda rin ang ani,” wika naman ni Gng. Alawi.

Nakatanggap rin si Fatima sa regalo mula sa tatlo pa niyang anak na sina Mona, Hashim at Amira.