Atty. Topacio to-the-rescue kay Lolit Solis

ISINIWALAT ng veteran show biz columnist at talent manager na si Lolit Solis na handa siyang tulungan ni Atty. Ferdinand Topacio sakaling ireklamo siya ng kampo ni Bea Alonzo ng cyberliber at cyberbullying.

Sa Instagram, ibinahagi ni Lolit na nag-text sa kanya si Topacio at nag-aalok ng libreng serbisyo.

“Na touch naman ako kay atty Ferdie Topacio Salve. Nag text siya para itanong kung ano puwede itulong. Kasi nga at my age at condition binibintang parin na isa akong BULLY. Ako bully ? Kaloka naman,” aniya.

Todo-pasalamat si Lolit sa abogado dahil sa pagiging tagapagtanggol ito ng mga inaapi.

“Salamat atty Ferdie Topacio, kaya love kayo ni Cristy Fermin dahil to the rescue agad kayo. Talagang friend kayo ng showbiz. Hayaan nyo, basta inapi nila ako, tawagan ko kayo agad. At sure ako, hindi na nila ako ibu bully dahil nandiyan kayo,” dagdag niya.

Samantala, muling iginiit ni Lolit na hindi siya bully gaya ng sinasabi ni Shirley Kuan, manager ni Bea.

“Puwede bang i bully ang mga high and mighty na tulad nila Shirley Kuan at Dolor Guevarra. English at British accent si Shirley Kuan, ibu bully ng jologs na si Lolit? Wow naman. Parang hindi ko maisip na iisipin ng mga tulad nila Shirley at Dolor na bully ako,” hirit pa niya.

“Kaloka sila ha, inaapi nila ako porke maysakit at hindi ko naintindihan English ni Shirley. Baka consult a lawyer pa lang si Shirley, nandiyan na si atty Ferdie Topacio at naka file na ang case. Alam mo na, fast worker at very professional si atty Ferdie,” sabi pa ng talent manager.