Angel Locsin susuportahan sina Marcos, Sara

INANUNSYO ni Angel Locsin na susuportahan niya ang mga nanalong kandidato, kabilang sina presumptive president at vice president Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio, kahit pa hindi niya ibinoto ang mga ito.

Sa Facebook post, sinabi ng solid Leni Robredo supporter na sana ay mapatunayan na mali siya ng pinili at tama ang 31 milyong Pilipino na bumoto sa BBM-Sara tandem.

“For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president, & senators,” ani Angel.

“I’m hoping they’ll do better than our past leaders. I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong. Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo,” dagdag niya.

Pinakalma naman ng aktres ang mga kapwa niya kakampink na nalungkot sa pagkatalo ni Robredo.

“I understand na minsan mahirap, kaya kapag tingin ninyong kaya n’yo na, ituloy ang ‘radikal na pagmamahal’. Otherwise, hanggang slogan lang pala tayo kung ganun,” sabi niya.

“Despite everything, saludo sa lahat ng tumindig. Hindi ko makakalimutan ang pagmamahal sa bayan na pinakita ninyo. Huwag hayaang mabalutan ng dilim ang liwanag na nasa puso ninyo. Ngayon, higit pa man, mas kailangan kayo ng bayan. Buksan ang inyong mga mata at puso para sa bayan,” dagdag ni Angel.