Andrew, GF ikakasal sa Valentine’s Day

TILA aksidenteng naibuking na sa mismong Araw ng mga Puso itinakda ang kasal ng aktor na si Andrew Schimmer sa girlfriend nitong si Dimps Greenvilla.

Ibinahagi ni Andrew sa Facebook ang video clip ng behind-the-scenes interview sa kanya at kanyang pamilya ni si Julius Babao.

Sa isang bahagi ng interview, maririnig si Julius na binanggit ang kasal nina Andrew at Dimps.

“Sa February 14 na ang wedding, so what are you looking forward to?” ani Julius sa anak ni Dimps na si Belle.

“I’m looking forward to see my mom always smile…and hugging all the time,” sagot ng bagets.

Mensahe naman ni Belle sa kanyang mommy at future daddy: “I hope they will be happy all the time because I have always seen my mom sad before, but now she’s really happy…and makes my siblings happy,” sey ni Belle.

Wala pang kumpirmasyon sina Andrew at Dimps ukol dito.

Matatandaan na nitong December ay isinapubliko ni Andrew na may bago nang nagpapatibok sa kanyang puso matapos sumakabilang-buhay ang misis na si Jorhomy noong 2022.