Ray parks, kahati si Bruno Mars kay Zeinab?

MAY himig-selos ang tanong ng basketbolistang si Ray Parks sa girlfriend na si Zeinab Harake sa Instagram story niya nitong Huwebes.

Ipinost ni Ray ang photo nila ni Zeinab ilang oras matapos dumating ang huli para bisitahin siya sa Japan.

“Ako ba talaga o si Bruno pinuntahan mo dito sa Japan? 🤔😂🖤” caption niya.

Napag-alaman na maliban sa pakikipagkita sa boyfriend ay manonood ang aktres at social media personality ng concert ni Bruno Mars sa Japan.

Wala namang reaksyon pa si Ray sa bagong Instagram story ni Zeinab na photo ni Bruno na nilagyan niya ng caption na “Bruno ko.”