Alden tikom sa real-score nila ni Kathryn

HINDI ipangangalandakan ni Alden Richards ang kung anuman mayroon sila sa kasalukuyan ng kanyang “Hello, Love, Goodbye” co-star na si Kathry Bernardo.

Ani Alden sa isang panayam: “Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media ‘yung mga ganiyan. You know, sometimes ‘yung mga personal things that’s happening, better be personal na lang.”

Inamin naman ng Kapuso actor na hindi nawala ang pagkakaibigan nila ni Kathryn na nagsimula sa shooting ng “HLD” noong 2019.

Kaya naman walang dapat magtaka kung bakit naroon siya sa mga birthday parties ng dalaga.

“I was invited and, siyempre, it was part of her post-birthday celebration with friends and family. Masaya naman. Masaya naman ‘yung naging experience and you can see how happy Kath is right now,” dagdag ni Alden.