Vice Mayor ng Aparri, 5 pa todas sa ambush

NASAWI sa ambush si Aparri Vice Mayor Rommel Alameda at lima niyang kasamahan matapos tambangan alas-8 pasado Linggo ng umaga.

Nakasuot ng uniporme ng pulis at nakasakay sa government vehicle ang mga salarin nang ambusin nito ang sinasakyan ng bise alkalde sa Sition Kinacao, barangay Baeretbet, sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya.

Patungo sa Aparri ang mga biktima na sakay ng Hyundai Starex nang sila ay tambangan nang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Madaling nagsitakas ang mga salarin habang sakay ng puting Mitsubishi Adventure na may pulang plaka at numerong SFN 713.