Patay kay ‘Odette’ umabot na sa 31

PUSPUSAN ang ginagawang relief and recovery operations ng pamahalaan ngayon na sinasabing umabot na sa 31 ang naiulat na nasawi dahil sa hagupit ng bagyong Odette sa maraming bahagi ng Visayas at Mindanao.

Apat na ang nakumpirmang nasawi bukod pa sa 27 na naunang napaulat na nasawi dahil sa bagyo. Patuloy pa ring bineberipika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga nasawi.

Sa naunang report, may 16 nasawi sa Cebu, lima sa Negros Oriental at lima rin sa Bohol, dalawa sa Guimaras at tig-iisa sa Iloilo, Bukidnon at Negros Occidental.