Pampanga journalist patay sa pamamaril

HUSTISYA ang sigaw ng mga mamamahayag matapos ang pamamaslang sa provincial journalist na si Jesus “Jess” Malabanan na binaril ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Calbayog, Western Samar, Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot si Malabanan, correspondent ng Manila Standard, Bandera at Reuters sa Pampanga, matapos siyang barilin habang nasa loob ng kanyang tindahan, alas-6 ng gabi.

Sa report ng Inquirer, kinumpirma ng misis ni Malabanan na si Mila, na isang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng kanyang mister.

Kwento pa ni Mila, nanonood sila ng telebisyon ng marinig niya ang putok ng baril. Hindi rin anya niya nakita ang bumaril sa mister dahil madilim.

Bago naging Pampanga correspondent, dating nagku-cover si Malabanan sa defense beat.