Nadine at ang sarsa ng lechon

NAGPALIWANAG ang actress/singer na si Nadine Lustre ukol sa nag-viral niyang photo na may hawak na sarsa nitong mga nakaraang linggo.

Chika ni Nadine, pagod na pagod siya noong araw na ‘yun at tanging lechon manok na lang ang nabili nila sa Siargao.

“It’s really really funny,” chika ni Nadine.

“We went back home, and the only thing that we could get is the lechon manok…I bought lechon manok and then there was no sarsa. No sarsa, no suka, walang sawsawan yung lechon manok. So I was like, ‘Ay parang gusto ko ng Mang Tomas.’ Kulang yung lechon manok ‘pag walang Mang Tomas. Wala na ngang rice, wala pang sarsa ‘di ba?” pagpapatuloy niya.

Chika pa niya, alam niyang pinipicturan siya pero sobrang pagod niya kaya hindi na lang niya pinansin ito.

“I got Mang Tomas which is right beside the counter. So I got it, put it on the counter. And then this girl, I saw her already that she was taking a photo. But I was so freaking tired, I was like, ‘Oh okay, whatever.’ Kaya yung mukha ko ganun na lang.”