Pamilya nalibing sa landslide, nabuhay

NAKALIGTAS ang tatlong miyembro ng pamilya makaraang tabunan ng gumuhong lupa at bato sa Getafe, Bohol nitong Lunes.


Ayon sa pulisya, agad namang nahukay ang mga biktima ilang minuto lang matapos silang malibing nang buhay sa quarry site sa Brgy. San Jose.


Nagtamo ng sugat at pilay ang mag-asawang Elizabeth Cuajo, 31 at Franco Torremucha, 46, at kanilang menor de edad na anak.


Napag-alaman na naghahakot ng bato ang pamilya sa quarry site nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.


Lumambot ang lupa na nagresulta sa landslide kaya natabunan ang pamilya.