Isko: Duterte mas busy pa sa sexy pictures ko kesa sa pandemya

INIHAYAG ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tila mas abala pa si Pangulong Duterte sa paninilip sa mga sexy pictures ng actor-politician kesa sa pagtugon sa problema ng pandemya.


Matatandaang kinastigo ni Duterte ang isang alkalde sa Metro Manila dahil sa mga hubad nitong larawan. Hindi naman pinangalanan ng Pangulo ang alkalde pero marami ang naniniwala na ang pinatutungkulan niya ay si Moreno na tatakbong presidente sa 2022 elections.


”Yung mga bagay na nagawa ko sa showbiz ay mga bagay na parte ng buhay ko at hindi kinubli,” ani Moreno.


“Imbes na busy sila sa Covid-19, natingnan nila ‘yung picture ko… kaysa ‘yung picture ng mga namamatay, picture ng nagkakasakit,” aniya.


“I’m honored but I’m not happy,” dagdag ng mayor. “Ang buhay ko is an open book. Maraming salamat kay Kuya Germs… binigyan niya ako ng chance na iahon ko ang aking sarili.”


“Ito ang naging hagdanan ko upang maitaguyod ko ang pamilya ko
at bilang artista, marami akong dapat gampanan na karakter o dapat tupdin na responsibilidad,” aniya pa.