Pagpapatiwakal vinideo ng obrero

KINUNAN ng video ng isang obrero ang ginawa niya pagpapakamatay sa Atimonan, Quezon nitong Linggo, ayon sa pulisya.

Nadiskubre ng mismong ina ng biktima ang walang-buhay na katawan ng anak sa barracks ng itinatayong gusali sa Brgy. Catalina.

Ayon sa ginang, binisita niya ang 19-anyos na anak Linggo ng hapon at nagimbal siya nang makita na nakabigti ito.

Agad niyang ibinaba ang katawan ng anak bago humingi ng tulong. Itinakbo ang biktima sa pagamutan pero idineklara itong dead on arrival.

Sinabi ng pulisya na sa cellphone ng biktima ay may video kung paano ito nagbigti.

Hindi naman alam ng ina ang nagtulak sa biktima na magpatiwakal.