Masahistang bulag timbog sa rape

HIMAS-REHAS ang bulag na masahista na naaresto kamakailan dahil umano sa panggagahasa sa katrabaho, isa ring bulag, sa Tagbilaran City ilang taon na ang nakararaan.


Nasakote si Inocencio Balighot, Jr., 42, habang naghihintay ng kostumer sa Gaisano Mall sa Mandaue City nitong Sabado.


Napag-alaman na matagal nang pinaghahanap si Balighot dahil sa kinakaharap nitong kasong rape sa Tagbilaran Regional Trial Court.


Nagtago ang suspek sa Surigao City bago nagpunta ng Cebu nang sampahan ng kaso ng biktima noong 2017.


Ayon sa biktima, natutulog siya sa kanyang silid ng kanilang boarding house sa Tamblot st., Tagbilaran City nang pumasok ang suspek at ginahasa siya.


Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon ng biktima at sinabing hindi niya ito pinilit dahil mayroon silang relasyon nito.